Monday, July 12, 2010

EVERYONE HAS A RIGHT TO DREAM!

July 12, 2010


Friends, I am very determined to share with you thoughts and exposures I have experienced so far, especially with the youth of today's generation. Technology via the internet can literally connect us together, wherever you are. It is truly an honor to serve you through this humble way. Please write me and your concerns be heard by me. Again, as I have mentioned in my earlier initial message, we are free to create dreams because it's FREE. Poverty is definitely not a hindrance to succeed in life. Go on, search for your stars! Pilitin ninyong maging proud ang family nyo sa inyo at lalu na ikarangal nyo ang inyong sarili. Para magpakilala nang husto sa inyo ay heto ang ilan sa mga pinagdaanan ko sa buhay:

Pangatlo sa pitong anak ng isang magkakalesa at magtitinda ng gulay sa palengke. Pagka-graduate ko sa high school ay lumuwas na ako sa Maynila para makipagsapalaran. Sa kagustuhan kong makapag-aral ng college ay pinasok ko ang ibat-ibang trabaho sa edad na 16 nag janitor ako, nagtinda ng tickets ng sweepstakes, nagroom boy sa isang massage parlor, nag messenger, naging library clerk sa La Salle Taft, nagtrabaho bilang service crew sa McDonalds, Landmark, nag service crew sa Wendy's sa Sta. Mesa, naging marketing executives sa tatlong iba't-ibang courier companies hanggang makapagtayo ng sariling courier/forwarding company; ang RML Courier Express Int'l Corp., na ngayon ay 13 years nang nagbibigay ng trabaho sa humigit kumulang pitumpung empleyado nito. Nakapagtapos ako ng kursong AB Masscom sa FEU at MFA in Creative Writing sa Dela Salle University. Magpapatuloy rin ako para sa aking doctorate degree sa Ateneo De Manila University, para sa pangarap kong magkatitulo ang pangalan at para na rin sa pangarap kong makapagpatayo ng kolehiyo sa bayan namin sa Mogpog, Marinduque. Minsan na ring nai-feature ang life story ko sa RATED K ni Ms. Korina Sanchez over Channel 2. Ako rin ay isang artista sa teatro, pelikula at telebisyon pati na rin ang aking dalawang anak. Kasama ako sa second batch ng mga Filipino talents na ipinadala upang lumaban sa Hollywood, California para sa WCOPA o World Championships of the Performing Arts; ang worldwide talent competition kung saan ang unang nanalo mula sa ating bansa ay si Mr. Jed Madela. Nanalo ako ng gold medal sa drama at siver medal para naman sa comedy bilang kaisa-isang kalahok na Pilipino para sa acting category. Ako ay isang single parent at contract star ng Viva Films ang panganay kong anak na si Anna Luna. Ang pangalawa ko namang anak na si Antonio Luna ay nasa second year high school under SPED Department, mayroon siyang ADHD. Ang dalawa kong anak ay solo kong inaaruga at pinag-aaral simula pa noong maliliit pa sila. Iniwan kami ng kanilang ina halos anim na taon na ngayon. Wala akong karelasyon sa matagal nang panahon, upang maitutok ko ang atensyon at pagmamahal sa aking dalawang anak at sa aming negosyo.


Namatay ang tatay ko nang maaga at bilang panganay na anak sa mga lalaki ay naiwan sa akin ang responsibilidad na pag-aralin at pagtapusin ko ang tatlong mga kapatid ko sa college. Ang
dalawa ay parehong nakatapos ng kursong Management sa FEU, Manila, ang isa naman ay Masscom sa FEU, Manila rin. Nang mamatay ang tatay ko ay halos isinigaw ko sa kanya ang mga katagang ito "Hayaan mo tatay, kahit wala ka na at kahit may mga anak na ako, ay tutuparin ko pa rin ang pangako mo noon kay nanay na ipagpatayo siya ng malaking bahay", at ipinagpatayo ko si nanay ng bahay na nagkakahalaga ng mahigit tatlong milyong piso, regalo ko kay nanay.

No comments:

Post a Comment