Monday, July 12, 2010

KAHIT TAG-LISH PWEDE NA!

July 13, 2010 12:14 AM


Friends at mga Ka-Tropa,

Oo, kahit Tag-lish pwede na! Unang-una, ang pinaka target ko talagang tulungan at bigyan ng advice ay ang mga kabataang Pinoy. Alam kong marami rin sa atin ang mas nae-express ang nasasaloob at damdamin kung hindi na gagamit pa ng English. Okay lang. Mga puso ang nag-uusap dito at yun ang mahalaga, ang sensiridad natin sa isa't-isa. Pinoy ako, pinoy kayo, pinoy tayo ika nga, uulitin ko kahit saang estado man tayo nagmula ay welcome dito. Gusto ko lang makatulong. Kagaya ninyo ay hindi rin ako perpekto, natural dahil tao lang tayo, pero sama-sama tayong matuto nawa sa ating mga pagkakamali sa buhay. Ang mga pagkakamaling ito ang nagiging mga sandata natin upang maging mas malakas at matatag! At kaya nga may tinatawag na pagkamulat sa paligid ay upang pwede naman kaseng huwag na nating personal na maranasan pa ang mga pagkakamali upang magbigay ng aral sa atin. Tumingin tayo sa paligid natin, sa karanasan ng ating mga kakilala at kaibigan ay pwede na tayong matuto at kung magkataon ngang huli na ang lahat ay ito nga ang saysay ng blog na ito. Ang payuhan ko kayo, sa abot ng aking makakaya at kaalaman upang baka sakaling makatuwid ito ng baluktot kahit papaano kung pakikinggan ninyo. Muli, narito ang blog na marahil ay matagal nang inaantay ng mga kabataan. Dumulog kayo, magtapat. Sa paraang madali at alam nating kayang-kaya nating gawin; ang humarap sa computer at buksan ang puso kahit di tayo magkakapatid sa dugo o magkakapamilya at least pwedeng kapuso hehehe (sana hindi corny!) lahat ng tao ay may problema, mabigat, mas mabigat, pinaka mabigat, pero ang lahat ng problemang ito ay totoong hindi ibibigay ng Panginoon kung hindi natin kayang dalhin. Lahat ng pangyayari sa mundo ay kaloob ng maykapal. Huwag na huwag sana nating tawaran ang kanyang kakahayan. Manalig sa Kanya. Magsumikap para sa mga pangarap dahil ang katuparan ng ating mga pangarap at kung gaano katayog ang mararating ng mga ito ay nasa ating mga kamay nakasalalay. Higit sa lahat ay tunay na magtiwala sa sarili, isipin ninyong kung nakaya ng iba, ay kayang-kaya rin ninyo. Walang imposible sa taong nagsusumikap para sa pangarap at kumakapit sa Panginoon! Habang may hininga, may pag-asa!

No comments:

Post a Comment